Om SIIL
"Mula sa kusang-patnugot ng aklat-Ukiyoto na ""Magkalaguyo""
naritong muli si W. J. Manares sampu ng mga Makabagong Manunula't Manunulat
na maghahatid sa inyo ng mga orihinal na tula at dagli ng Romansa at Pag-ibig!
""SIIL: Sa Iyo't Iyo Lamang""
Tampok ang mga obra-maestra nina
W. J. Manares | Gree Malkin | Jhemar Lagata | Jobert M. Pacnis | Christopher U. Palomares | Giselle Paraan |
J. Limos | Reymark T. Lubo | P. J. Nacor | Fernando Lachica | Abet Banico | Ar.T | Aries Dame
Guhit-Pabalat ni Patriouttedoesart
***
Makabagong Panitikang Romansa
Mga salitang animo'y nakakapaso,
Talatang kaytalim tila sugat ang dulot.
Sa bawat paglakbay ng mga matang nag-uumapoy,
Ang mga pahina ay kublihan ng damdaming lantad.
Mga danas na kunwari'y piksyon,
Itinuturing na katotohanan ng mga mapagmatyag.
Nararamdaman ang init ng mga binitawang kataga,
Ligaya at sensasyon ang hatid sa kaibuturan.
Kapag nakahanda ang puso't isipan,
Ang naka-umang na tugma ay tiyak na tatagos.
Ang mga salaysay na akala mo'y kaylalaswa,
Kusang pupulupot sa payak na pananaw ninuman.
Pag-igihan ang pag-unawa sa panitikang tigasin,
Hindi man maipinta, hayaan mong magkakulay.
Bago maubos ang katalinhagaang handog,
Tiyak na hahantong sa mayamang pagkamulat.
- W. J. Manares, kusang-patnugot"
Vis mer